Thursday, June 5, 2014

Patambay naman

Kahit sandali lang
Sa tapat ng bahay nyo
Kahit walang pagkain
Basta may mapuntahan lang

Nasasawa na ako
Masikip at madilim ang mundo ko
Gusto kong kumawala
Sa ingay at katahimikan

Alam kong di ka busy
Dyan ka lang naman
Naghahanap ng makaka-usap
Ako rin

Usap tayo!
Musta na?
Alam ko mahirap ang buhay
Pareho lang tayo

Namiss ko yung konting noodles
Maraming sabaw
Konting asaran
walang katapusang kwento

Marami ng nagnyari
Marami ng nawala
Pero eto ako
Nag-iintay ng makakasama

Kaya patambay naman
Baka di na tayo magkita
Baka wala ng makaalala
Wala na ring umasa

http://beben-eleben.tumblr.com/

No comments: