Friday, February 22, 2013

Napansin ko lang

(Sorry this is just story insipred by the rain and what I heard)

Madilim na at di pa rin tumitigil ang ulan. Di naman malakas ang pagluha ng langit ngayon pero tila ba wala itong hinto. Basa na ang lahat; kalsada, lupa at pati na rin ang mga halaman.

Maraming biyaya ang tubig mula sa langit sabi nila kaya nitong linisin ang alikabok at dumi ng kalsada, kasama na ang mga upos ng sigarilyo ng mga taong hobby and magsunog ng baga nila at kapwa. Pero para sa isang binata na ito badtrip ang  ulan.

Oo maganda kasi medyo nabawasan ang dumi at baho ng katawan. Pero ang lamig ay nanunuot sa katawan. Ayos din naman ang mga friends niya. Enjoy at tawanan pa rin, takbuhan sa maliit na paraiso and mundo na alam nila.

Tumayo ang binata lingon sa kalsada sabay tawid. Punta sa paboritong palikuran na gawa ng MMDA. Nawala sa loob, siguro kahit papaano nabawasan ang lansa at asim sa loob ng kasumpa-sumpang palikuran ng gobyerno. Magkano kaya ang kinita nila mayor et al dito.

Balik sa pwesto buti na lang at may naluto ng rin sa lata ng FITA. Mabango ang noodles na may halong isang listro na tubig. Ayos na ito kasi may sabaw na may mainit pang apoy.

Kain, higop at tingala sa kawalan habang ang karamihan ay nagdaraan. Walang pumapansin. At kung mayroon man takot o pandidiri ang nasa mata nila.

BEEP!!! Ang daming sasakyan...

CLICK! CLICK!

BUZZ! BUZZ!

Ang daming parating sa tahanan ng binate at mga kaibigan at kapitbahay. Mga pulis, media at mga miron at chismoso.

FLASH! FLASH! CLICK! CLICK!

Dinampot ang mga kilala at mga kaibigan na para bang ngayon ay Earth Day at bawal magkalat. Nagtataka at naguguluhan. Ang daming tanong at ilaw. Magulo.

Pinapasok sila sa mga van para daw dalhin sa DWSD. Siguro OK na rin yun kasi kahit papano kung saan siya dadalhin eh may bubong na matino. May konting malinis na pagkain.

Nawala ang ingay, nawala ang ulan, wala na ang binata pero bukas sino ang unang babalik? Ewan.



No comments: