Monday, March 9, 2015

Minimum Fare Php 7.50

Di ko na maalala kung kailan. Pero sabi sa balita bababa daw ang pamasahe. Ako noung araw na yon nagbayad pa rin ng Php 8.50. Di naman binalik yung piso ko.

Pero di naman totoo na ang bayad sa jip eh Php 7.50. Maraming driver di ka naman talaga susuklian. Di mo rin naman hihingin pa yung 30 sentimos mo kasi parang mukha ka naman masyadong pera kahit karapatan mo rin na hingin yon. Bad trip di ba? 

Sinubukan kong gamitin yung mga 5 setimo at 10 sentimo sa jip pero may mga driver na nagagalit pa kung bakit ka nagbayad ng ganun? As if naman nakukusensiya sila sa bawat sobra na 50 sentimo na di nila binabalik. Lubha atang magulo ang tao para maintidihan. At di naman makikinig ang driver kahit litanyahan ko pa siya ng dokumento mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. 

Ayon sa mga driver sa Pinas di pera ang 5 sentimo at 10 sentimo. 


Kaya ayun naiipon yung mga copper colored na sentimos ko kasi ang utak ng mga driver eh hanggang 25 sentimos lang. Ihuhulog sa mga munting lata na donasyon para sa mga taong may sakit. Napansin ko lang bakit parang hanggan ngayon pareho lang yung picture na nanduon sa mga lata. Wala atang masyadong may malasakit sa may karamdamang mahihirap. Pero gagastos ng bongga ang gobyerno ng milyon para sa kalusugan ng mga magnanakaw na senador at congressman. 

Kaya ayun palagi kong sinisiguro na palagi akong may saktong Php 7.50 para maging patas ang laban. Problema, kadalasan lang talaga, Php 8 lang ang meron ako. Mas mawserte ka pa kung sampu ang pera mo kasi mas mataas ang chance na kumpleto and sukli mo.

Ano man ang dahilan sa pangyayaring ito. Di ko alam. 

Lakad pa more? 

Kulang pa rin ng 25 sentimos. Sana suklian ako ng tama. 

No comments: