Thursday, June 26, 2014

Isang munting eksena habang pauwi

Naglalakad sa ilalim ng ambon. Papunta sa masikip kong mundo sa Makati. Sakay ng aircon na bus. Ayun may maluwag. Upo sa harap para madaling makababa. Anong oras na? Tangina bakit video ni Miley Cyrus ang umaandar? Makinig na lang ng MP3 sa cellphone. Mabilis ang byahe. Malamang patay ako sa init kung nasa ordinary ako. Sinasara kasi nila ang bintana kapag umulluan. Kaya aircon ang sinakyan ko ngayon. Pag-baba ng Evanglista umaambon pa rin. Lakad ng konti dun sa pangatlong kanto pa ako sasakay ang tagal kasi sa may terminal ng jeep. Lagpas sa Mercury drug may isa pang jeep na nag-aantay. Ayoko dyan matagal.

Punta ng Julies Bakery. Wala namang mabili na gusto. Antay ulit ng jeep. Wala pa rin.

Ayun meron ng sure na paalis. Sumakay ako. Hay salamat natapos na ang araw. Bukas sana di na masyadong maulan kasi maglalaba ulit ako.

No comments: