Thursday, July 4, 2013

Motor

Dalawang gulong, kadalasan parang bisikleta lang na may motor. Pero iba daw ang de motor na bisikleta kesa sa motor o motorsiklo. Naiinis ako sa mga gumagamit ng motor, kadalasan sila yung walang disiplina at dahilan ng maraming aksidente sa kalsada, lalu na kung madulas ang kalsada.

Sa mga maunlad na bansa bihira ang mga motor (kung Harley-Davidsosn ibang usapan na yan). Madalas makikita mo silang gumagamit ng kotse. Ayoko sa motor kasi maingay at ang mga gumagamit nito eh kadalasan mula sa lugar na magulo at maingay.

Madalas naiistorbo ang tulog ko dahil sa ingay ng mga tricycle drivers sa tapat ng bahay. Madalas lasing at nag-uusap ng mga walang kwentang bagay tulad ng basketball. Para sa akin ang motor ay palatandaan ng mababang sibilisasyon at kultura.

Pag may naaksidente at namamatay na driver ng motor, masaya ako. Kasi nabasan na naman ang mga iiwasan kong sira-ulo sa kalsada.

Ang mga pananaw ko sa mga nagmomotor ay ganito, kung ikaw ay nagmomotor sana maisip mo rin kaming mga walang motor na madalas eh napeperwisyo ninyo.

No comments: