Wednesday, July 31, 2013

Osong puti

Humuhungas mula sa ulan
Hinahabol ang oras
Madaling bubuksan
Kahon na minamahal

Para sa malamig na hangin
Para sa malamig na haplos
Pawis namumuo
Damit ay lugmok ng katas

Paano nga ba ang buhay
Kung may isang oso
Na sanay sa taglamig
Dito sa Ekwador

Pero sakim ang oso
Sarili ang nais iligtas
Bahala na ang lahat
Basta ako ay mabuhay lang!

No comments: