Wednesday, November 27, 2013

Amoy sa LRT

Ang weird lang nung feeling na sasakay ka ng LRT sa unang araw ng pasok, Lunes. Puno ang tren ng mga studyante at mga trabahador. Siksikan pero di tulad ng siksikan sa hapon para bang ayaw nilang madikit sa isat isa. Lahat ng amoy musk naghahalo sa malamig na hangin. Amoy bagong paligo, bagong laba na damit, matapang, fresh, sports, vanila. Siguro depende rin sa ibinuhos sa katawan.

Ang weird lang na mapansin ito samatalang matagal na akong sumasakay ng LRT.

Kahit masikip mas gusto ko pa rin ang amoy sa LRT kesa sa amoy ng usok at kotse sa kalsada.

(Sorry this post is in Tagalog.)

No comments: